Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.
243. Masaya na ang miryendang Coke at pandesal na pinapalamanan ng Star Margarine.
244. Naglalaro ka ng gagamba. Kung saan-saan ka pumupunta para humuli ng gagambang pang-laban. May mga classmate ka na bumibili ng gagamba sa vendor sa labas ng school mo. Pinaglalaban ninyo ng mga kaiskwela mo and inyong mga gagamba na tumatawid sa walis tingting. Isa sa matitinding gagamba ay yung malaki ang puwit. Nagtatalunan ang mga nanunuod ng laban dahil mabilis niyang isapot ang kanyang kalaban. Maraming sari-saring gagamba, at isa sa mga pinaka matapang at magaling na lumaban ay yung tinatawag na Gagambang Pitik!
245. Betamax Queens Scandal: Nabalitaan na may sex tape si Vivian Velez at si Mayor Rudy Farinas. Si Vilma Santos naman na tsismis na may sex tape daw sila ni Romeo Vasquez.
247. Nagro-rollerskating ka sa Skate Town. May disco lights at mirrorball pa.
"Hoy! Where is my Nostalgia List #42 aber?!"
Craving for more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #40
Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia

0 comments:
Post a Comment