
"It's only forever. Not long at all. Lost and lonely, that's underground."
Ang kantang "Underground" ay ini-release noong 1986, at ito ang promotional song na kasama sa sountrack ng pelikulang "Labyrinth", na kung saan si David Bowie ang gumanap sa papel ng Goblin King. Ang kanta ay isang experiment para kay Bowie, at sinubukan niyang i-incorporate ang gospel music influences sa mga malalaking backing chorus vocals ng kanta.
Makikita ang sari-saring persona ni David Bowie sa video kagaya ng mga litrato niya as Ziggy Stardust, The Thin White Duke (Bowie's 1975 persona), Thomas Newton (from The Man Who Fell to Earth), Jareth (from Labyrinth) at si Baal. Makikita rin natin na sumasayaw si Bowie kasama ng mga puppet characters sa pelikula, bago siya maging cartoon.

Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
0 comments:
Post a Comment